PanimulaTungkol sa CalibraPaano Ito GumaganaTungkol sa CurrencyPara sa NegosyoFAQ
Malaman ang tungkol sa Libra
Magsimula

Ang nakakonektang wallet para sa nakakonektang mundo.

Para sa Lahat.

Ginawa ang Calibra para sa Libra, ang bagong cryptocurrency na gagawing mas mabuti ang takbo ng pera para sa ating lahat.

Paano kung mayroong mas magandang wallet para sa mas magandang uri ng pera?
Paano kung gumagalaw ang iyong pera na katulad mo?
Paano kung mapaparating natin ang pera na kasing dali ng pagpaparating ng impormasyon?
Paano kung madali mong nakukuha ang pera kapag kailangan mo ito?
Paano kung maaari kang magpadala ng pera sa online sa ilang segundo?
Paano kung maaaari kang magpadala ng pera sa buong mundo sa ilang pag-click lang?
Paano kung mas maraming tao ang mapapanatiling ligtas at secure ang kanilang pera?
Paano kung mayroong bagong paraan para makaipon, magpadala at gumastos?
Paano kung mayroong bagong currency para sa mundo?

Isipin mo kung magiging digital ang pera.

Isipin mo kung mas maraming tao ang mayroong access sa pandaigdigang ekonomiya.

Isipin mo ang bagong pandaigdigang currency sa bagong pandaidigang network.

Naisip namin na ganito dapat ang pera.

Madali. Sa paraang nagpapadala ka ng message o isang litrato.

Hi Dad, miss na kita. Inaasahan kong mabuti ang lahat dyan!

Mula sa Facebook ang Calibra. Ginagawang madali ito para gamitin sa iyong mga paboritong app.

Narito ang isang maliit na bagay para tulungan kang makaraos sa buwan.
100
Salamat, Dad! Mahal kita 🖤Ipinadala sa Messenger

Mabilis. Magpadala, magdagdag, o mag-withdraw ng pera sa ilang pag-tap lang.

Mag-load, mag-cash out, bumili ng kape, o paghatiin ang bayad, lahat gamit ang Messenger.

Narito ang isang maliit na bagay para tulungan kang makaraos sa buwan.
100
Salamat, Dad! Mahal kita 🖤Ipinadala sa WhatsApp

Simple. Magpdala ng pera sa ilang segundo.

Magpdala ng pera sa mga kaibigan at pamilya sa sarili mong bansa o sa buong mundo, lahat gamit ang WhatsApp.

Narito ang isang maliit na bagay para tulungan kang makaraos sa buwan.
100
Salamat, Dad! Mahal kita 🖤Ipinadala sa Messengerr
Narito ang isang maliit na bagay para tulungan kang makaraos sa buwan.
100
11:39 AM
Salamat, Dad! Mahal kita 🖤Ipinadala sa WhatsApp
12:10 PM

Mabilis. Magpadala, magdagdag, o mag-withdraw ng pera sa ilang pag-tap lang.

Mag-load, mag-cash out, bumili ng kape, o paghatiin ang bayad, lahat gamit ang Messenger.

Simple. Magpdala ng pera sa ilang segundo.

Magpdala ng pera sa mga kaibigan at pamilya sa sarili mong bansa o sa buong mundo, lahat gamit ang WhatsApp.

Maayos. Mas magandang wallet para sa mas magandang pera.

Makaipon, magpadala at gastusin ang iyong pera, lahat sa Calibra app. Magiging pribado at secure ang iyong mga transaksyon.

User authentication...
Nilagyan ng check

Ligtas.
Secure.

Bine-verify ang mga account gamit ang ID na ibinigay ng gobyerno para makilala mo ang pagkakakilanlan ng tao. Alamin pa ang tungkol sa seguridad at privacy sa Calibra.
Huwag mag-alala, ligtas ang iyong pera, gamit ang naka-built in na mga proteksyon sa pandaraya, pag-report sa app, at dedikadong serbisyo sa customer. Kung magkakaroon ng pandaraya, makakatanggap ka ng buong refund. Alamin pa ang tungkol sa seguridad at privacy sa Calibra.
Pribado ang iyong aktibiidad ng transaksyon at kailanman hindi namin ipo-post ito sa publiko. Ang Calibra ay isang subsidiary ng Facebook na naka-set up na para ihiwalay para tulungang protektahan ang iyong pampinansyal na impormasyon at impormasyon ng account. Alamin pa ang tungkol sa seguridad at privacy sa Calibra.
Pinadalhan mo si Sofia ng
100.00
Mga Fee 0.00
Available Kaagad
Tignan

Magpadala ng pera na kaunti ang babayaran.

Tinutulungan ng Calibra ang mga tao na hindi masyadong gumastos ng pera sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga fee.

Nandito kami para sa iyo.

Magkakaroon ang Calibra ng 24/7/365 na support sa Messenger at WhatsApp.

Mayroon akong tanong tungkol sa pagpapadala ng pera
Matutulungan kita tungkol dyan!😄

Ang Libra ay isang bagong pandaigdigang cryptocurrency.

Ginawa ang Libra sa isang secure, napapalawak, at maaasahang blockchain at binuo para tulungang bigyan ng patas na access ang mga tao sa mga pampinansyal na serbisyo kahit saan.
Sinusuportahan ang Libra ng reserve ng mga asset para mantiling matatag ang value nito.
Binabago muli ng Libra ang pera para magamit ito sa mga bansa sa buong mundo. Madali itong maipapadala kaninuman at palitan sa mga lokal na currency.
Mateo natanggap ang pera na ipinadala mo sa 1.38 segundo.
Ipinapadala kay Fatima
100.00
Mga Fee 0.00
Available Kaagad
Magpadala
Fatima natanggap ang pera na ipinadala mo sa 1.38 segundo.
Ipinapadala kay Mateo
100.00
Mga Fee 0.00
Available Kaagad
Tignan

Makipag-ugnayan sa mga customer.

Maayos na tumatanggap ng mga pagbabayad mula sa mga customer nang personal at online.
Magagamit ng mga tao ang Calibra at ng mga negosyo sa buong mundo. Paramihin ang iyong customer batay sa pagtanggap ng mga pagbabayad mula sa mas maraming customer, mula sa mga malapit sa mga libu-libong milya ang layo.
Huwag mag-aalala, kapag nalaman mong na-verify na ang lahat ng account at transaksyon, sa ginawang mga hakbang para protektahan laban sa pandaraya.

Mga Madalas
Itanong

Ano ang cryptocurrency?
Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital na currency. Tinatawag itong ‘cryptocurrrency’ dahil gumamit ito ng nakapaka-secure na anyo ng cryptography para i-verify ang mga transaksyon. Ginawa ang mga cryptocurrency sa teknolohiya ng blockchain, at ang benepisyo ng cryptocurrency ay depende sa uri ng blockchain kung saan ginawa ito.
Kailan magiging available ang Calibra?
Kasalukuyang ginagawa ang Calibra. Mag-sign up para sa maagang pag-access.
Ano ang kailangan ko para magsimula?
Kapag available na ang Calibra, kakailanganin mo ang ID na ibinigay ng gobyerno para mag-sign up para sa isang account. Mahalaga ang pag-verify ng papgkakakilanlan para sumunod sa mga batas at iwasan ang pandaraya, para makilala mo ang pagkakakilanlan ng tao.
Saan ko magagamit ang Calibra?
Magiging available ang Calibra bilang isang nangsasariling app sa App Store at Google Play. Magagamit mo rin ang Calibra mismo sa iyong mga app na WhatsApp at Messenger, para maaari kang magpadala at makatanggap ng pera kasing dali ng pag-message sa mga kaibigan, pamilya, at mga negosyo.
Ano ang paggagamitan ko sa Calibra?
Magagamit ang Calibra para magpadala ng pera kaninuman, kahit saan sa mundo. Ginawa ang Calibra para sa Libra, ang bagong pandaigdigang currency. Dahil matatag ang halaga ng Libra, makakatipid ka rin ng pera sa Calibra at gamitin ito pra bayaran ang araw-araw na mga transaksyon, tulad ng pagbili ng kape, pagbili ng mga grocery, o pagsakay sa pampublikong transportasyon.
Maniningil ba ng mga fee ang Calibra?
Ang mga transaction fee ay magiging mababang halaga at patas, lalo na kung nagpapadala ka ng pera sa ibang bansa. Babawasan ng Calibra ang mga fee para tulungang makatipid ang mga tao.
Available ba ang Calibra sa aking bansa? Anong mga bansa available ang Calibra?
Ang aming layunin ay gawing available ang Calibra sa lahat, kahit saan sa mundo. Pinagsusumikapan naming dalhin ang Calibra sa maraming bansa hangga’t maaari, sa lalong madaling panahon na magagawa namin.
Maaai ko bang gamitin ang aking lokal na currency sa Calibra?
Ginawa ang Calibra para sa Libra, kaya kapag magpadala ka, gumastos, o ipunin ang iyong pera, gagamitin mo ang Libra. Maaari mong i-convert ang iyong lokal na currency sa Libra para magdagdag ng pera sa iyong wallet, at i-convert ito pabalik kapag gusto mong mag-withdraw. Kapag kino-convert ang iyong lokal na currency sa o mula sa Libra, ipapakita ng app ang palitan ng pera para eksakto mong malaman kung ano ang makukuha mo.
Paano mo maiiwasan ang pandaraya?
Bine-verify ag lahat ng account at transaksyon, at naka-built in ang pag-iwas sa pandaraya sa buong app. Bine-verify ang mga account gamit ang ID na ibinigay ng gobyerno, para makilala mo ang pagkakakilanlan ng tao. Ginagamit din ang impormasyon ng account ng Facebook at WhatsApp kapag available para i-verify ang pagkakakilanlan at maiwasan ang pandaraya. Ang Calibra ay mayroon ring pag-report sa app, at dedikadong serbisyo sa customer. Kung magkakaroon ng walang pahintulot na pandaraya, makakatanggap ka ng buong refund.
Paano mo pananatilihing ligtas ang aking impormasyon?
Pribado ang iyong aktibiidad ng transaksyon at kailanman hindi namin ipo-post ito sa publiko. Para basahin pa ang tungkol sa kung paano naming pinoprotektahan ang iyong data, i-click dito.
Magagamit ko pa rin ba ang Calibra kung wala akong Facebook, WhatsApp, o Messenger account?
Oo, makakapag-sign up ka para sa Calibra sa pamamagitan ng pag-verify ng iyong pagkakakilanlan gamit ang ID na ibinigay ng gobyerno.
Ano ang ugnayan sa pagitan ng Calibra at Facebook?
Ang kumpanya ng Calibra ay isang subsidiary ng Facebook, Inc. Hiwalay na pinapatakbo ang Calibra mula sa Facebook.
Maaari bang gamitin ng mga negosyo ang Calibra?
Ang unang bersyon ng Calibra ay susuportahan ang peer to peer na mga pagbabayad at ilang iba pang paraan para magbayad tulad ng mga QR code na magagamit ng mga maliliit na merchant para tumanggap ng mga pagbabayad sa Libra. Sa katagalan magkakaroon ng maraming iba pang in-store na pagbabayad, pagsasama sa mga sistema ng Lugar Kung Saan Binili at marami pa.
Ano ang Libra?
Ang Libra ay pandaigdigang cryptocurrency na binuo sa pundasyon ng blockchain (ang Blockchain ng Libra). Ganap na sinusuportahan ang Libra ng Reserve ng Libra, ang koleksyon ng mga currency at iba pang mga asset na ginagamit na collateral para sa bawat ginagawang Libra, bumubuo ng tiwala sa tunay na halaga nito.

Malapit na.

Nagkaproblema.

Handa ka na!

Ipapaalam namin sa iyo kapag live ang Calibra.